LASER
Ang akronimo ng LASER ay nangangahulugan ng Light amplification by stimulated emission of radiation. Ang isang laser ay isang aparato na gumagawa ng isang uri ng liwanag na hindi matatagpuan sa kalikasan. Ang liwanag na ito ay ginagawa sa pamamagitan ng optical amplification, na umaasa sa stimulated emission ng electromagnetic radiation. Ito ay iba mula sa karaniwang liwanag sa tatlong paraan. Una, ang mga liwanag mula sa LASER ay naglalaman lamang ng iisang kulay o wavelength kaya ito ay tinatawag na 'monochromatic'. Pangalawa, ang lahat ng wavelengths ay nasa phase- dahil dito, ito ay kilala bilang coherent. At pangatlo, ang mga beam ng laser light ay napakapayat at maaaring ikonsentrado sa isang maliliit na spot- ang katangian na ito ang nagpapakilala rito bilang 'collimated'. Ito rin ang mga katangian ng LASER.
Para sa kanyang operasyon, mahalaga ang population inversion. Kapag may grupo ng atom o molekula na may mas maraming elektron sa excited state kaysa sa mas mababang energy states, nangyayari ang population inversion. Ngayon, kapag isang elektron ay nasa excited state, maaari itong mag-decay sa isang walang elektron na lower energy state. Kung ang isang elektron ay nagde-decay nang walang panlabas na impluwensya, na nagpapadala ng isang photon, ito ay tinatawag na spontaneous emission.
Nangyayari ang stimulated emission kapag isang photon ay nagsimulate ng isang elektron, na nagdudulot sa ito na magpadala ng isang pangalawang photon at bumalik sa isang mas mababang energy level. Ang prosesong ito ay nagresulta sa paggawa ng dalawang coherent photons. Ngayon, kung may malaking population inversion, ang stimulated emission ay maaaring magproduce ng malaking amplification ng liwanag. Ang mga photons na nabuo sa stimulated emission ay nagpapadala ng coherent light dahil mayroon silang tiyak na phase relationship.
Ang prinsipyong ito ng laser ay unang natuklasan ni Einstein noong 1917 ngunit hindi ito naging matagumpay hanggang 1958.
Ang mga laser ay may malawak na gamit. Sila ay bahagi ng mga consumer devices tulad ng CD at DVD players, at printers. Sa medisina, ginagamit sila para sa mga surgery at skin treatments, habang sa industriya, tumutulong sila sa pag-cut at pag-weld ng mga materyales. Ginagamit din sila sa mga military at law enforcement devices para sa marking ng targets at pagsukat ng range. May marami ring mahalagang aplikasyon ang mga laser sa scientific research.
Mga Komponente ng LASER
Lasing material o active medium.
External energy source.
Optical resonator.

Mga Uri ng LASER
Solid State LASER
Gas LASER
Dye o Liquid LASER
Excimer LASER
Chemical LASER
Semiconductor LASER